Wednesday, February 21, 2007

shining shimmering splendid..

what a glittery day! okay, ngayon, we started painting for our float.. buti na lang nagdala ako ng tatlong paint brush.. kung wala, wala kaming nasimulan.. at as usual napaka demanding na naman ni john.. ako lang nakakaintindi ng mga pinagsasabi nia.. tas nagsketch na naman sila don, sev, at michael.. ang labo ng sketch nila.. ginawa naman namin ni belle ung logo.. nilibre kami ni john ng merienda--ule! woooh! so 12:30 ng tanghali.. pinabili kami uli ng mga materials..


pagbalik namin, nagumpisa kami ule.. naaasar nako kasi di lahat gumagalaw.. nahihiya na nga ako kay sir eh.. basta.. si honey naman.. hai naku!! alis ng alis! nakakaasar! onting pinta, aalis.. konting buhos ng pinta, aalis na naman.. pag hinahanap, WALA.. pansin din nga ni sir eh..

marga: teka belle hugas lang ako kamay..
(asa sink din si ariel)
ariel: hello!
marga: hai!
ariel: ui ate, tignan nio, nagmimix colors ng kamay natin..
marga: hahah! onga..
(*dumaan si michael bitbit dameng chairs)
michael: nonstop work!!
marga: kung hindi na lang sana siya umaalis dun sa'tin, di sana siya nagbubuhat ng mga upuan..
ariel: onga noh ate.. *laugh*
marga: otoy naman un..
ariel: alis met ng alis.. hahaha!


5pm.. grabee.. napagplanuhan naming lahat na 5am dapat asa skul na kaming lahat.. payag lahat.. napilit ko si ariel.. and that was good..

marga: ariel, pag wala ka ng 5am dito, pangit ka..
ariel: hahaha! sige ate..
marga: sabihan mo na rin si michael.. wala akong tiwala dun na andito na un ng 5am bukas..
ariel: hahahaha! bakit naman ate?
marga: basta, asa itsura naman nia eh..
ariel.. hahaha! otoy un ate.. haha! baka naman ate pag andito nako ng 5am, la pa kayo..
marga: ta un din problema ko baka ako lang dito bukas..
sev, don, belle: di rin! wala, dapat andito na bukas ng 5am..

umalis na si belle kasi di siya pwede mag-stay hanggang 7-8pm kasi taga bugallon siya.. si ariel at michael umalis na rin.. si don may plano nang umalis.. NABADTRIP SI SIR.. pinrangka nia kamikanina pag-alis nila ariel.. saming tatlo ni sev at don sinabi ni sir ung mga nararamdaman nia..

john: "i was expecting a lot from michael because i know he's so good.. but i was disappointed.. tamad siya as in.. napansin ko ang bilis niang mapagod!"
marga: "ai sir talaga.. alis ng alis.. buti pa nga po si ariel eh.. mas marami pa siyang ginagawa.."
don: "don't worry sir.. itetext ko siya mamaya.. sasabihin ko.."
sev: "pagsasabihan namin siya sir bukas.."
john: *sigh* *minamasahe ang noo..*
sev: "(marga, kawawa si sir..)"
marga:"(kaya nga eh.. papatayin ko yang si custodio na yan..)"

nagstay ako hanggang 8:30pm kasama sila arvin at butch.. ginawa namin ung logo.. dameng glitters na silver kaya ganun.. mula ulo hanggang paa.. puro ako glitters.. shining shimmering splendid nga talaga.. nakita ni ms. massah ung ginawa namin.. tuwang-tuwa siya.. haha.. dapat lang! aiun nilibre ko sila butch at arvin ng pepsi kasi sinamahan pa nila kami ni wanda hanggang sa matapos kami..

un lang.. pag-uwe namin.. may dalawa na namng bagong aso.. sila nido at milo.. mga tuta pa sila.. haha! may bago na namang aso, dahil sa bike.. woooh!

1 comment:

jusz said...

natutuwa naman ako sa blog mo mameh! detalyado! =D